Wednesday, January 12, 2005

hindi na maibabalik

[:music:] silence..
[:mood :] random shit


okay inaamin ko hinahanap ko parin siya. naiinis parin ako...minsan kapag nakikita ko siya at di kami nagpapansinan. nakakatuwa. nakakatawa. ano ba yan. tama ba naman itong nangyayare? oo masaya ako na maayos na buhay ko. pero ang punto ay namimiss ko yung dating bonding...dating kulitan at dating lambingan. masaya e...kahit magkaibigan lang. sobrang saya. ewan ko ba kung bakit kailangan mawala yun. ewan ko kung bakit nagiba nalang siya makalipas yung summer. nagiba siya. nagiba trato niya sakin. nawala lahat nung saya. pumalit yung galit, selos, poot, at lahat lahat na ng kaguluhan. tapos..nawala. nawala na ang paguusap, nawala na ang pagkakaibigan, nawala na yung pagmamalasakit. nawala lahat. ang lungkot no? malungkot na masakit...na di ko man lang napaglaban o naayos yung pagkakaibigan namin. malungkot na kailangan ganito para umayos buhay ko.

kung bakit kinailangan namin saktan ang isa't isa...

:(

nalulungkot ako. kahit ok ako na wala siya. nalulungkot parin ako...dahil noon ginusto ko maging kaibigan niya, ginusto ko maging super close kami. ginusto ko siyang maintindihan. ang ganda kase nung pakiramdam na ganun e. pero wala. nagkasala ako. nagkasala siya. at nawala lahat. sayang. sayang ang pagkakaibigan. pero hindi ko maisalba dahil hindi pa nawawala yung sakit na dinulot ng lahat nun sakin. wala akong magawa dahil manhid na ko sa sobrang sakit.

kaya ngayon..eto nalang. eto na ang kinatatayuan ko ngayon. buhay pa ko. at kakayanin ko yung lungkot na wala ka...yung lungkot na may nawala sa akin. sayang no? wala na ko magagawa. nandito na ko. hindi na maibabalik ang nakaraan. hindi na maibabalik yung dati.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home