Sunday, February 13, 2005

yosi *reposted*

lumubog na ang araw at ang naririnig ako na lamang ay ang hampas ng alon sa tabi dalampasigan. nakaupo ako at nakatingin sa malayo, kahit ang kadiliman lang ang natatanaw.

nagsindi ako ng yosi. di ko mapigilan. kailangan ko malibang sa pagiisip. biro mo, isang taon na makalipas nang una kong maramdaman ang pagsalpak ng langit at impyerno sa iisang saglit. kakaiba. malakas ang tama. pero, nakakamatay. hindi ko nga alam kung paano ko ito nalampasan e.

a oo nga pala. yosi. naalala ko pa nung una niyo ako nakitang nagyosi. para kayong nakakita ng multo, sa totoo lang. pero...ok lang sa inyo yun. nasanay rin kayo sa akin. bale wala na nga ata sa inyo kahit sampung yosi ang ibuga ko nag sabay sabay e. pero nakita ko yung tingin mo sa akin...yung kakaiba mong tingin nung nagyosi ako sa harap mo at sa sinisinta mo. yun yung panahon na una mo akong pinakilala sa kanya bilang nakaraan mo. ang pangit. naalala ko pa reaksyon ko nun. bumuga lang ako ng usok ng yosi. yun lang. nakakamanhid pala yung yosi. hehe.

eto ako ngayon, yosi parin ang inaatupag. mula sa dalampasigan naririnig ko ang barkadang nagkukulitan sa inupahan nating cottage. nagtatalo nanaman ata sila sa kakainin para sa hapunan. sa bagay, gutom na rin ako. kumakalam na tiyan ko at wala pa akong nakakain simula nung tanghali. yosi nalang talaga.

hoy baka gusto mo nang kumain..hinihintay ka na nila sa loob...

ay. ikaw pala yun. buga ng usok. oo susunod na ako. tapusin ko lang 'to. sabay tiktik ng stick upang matanggal yung abo. sanay ka na talaga sa katarayan ko.

imbis na iwanan ako, umupo ka sa tabi ko.

ano ba talaga problema? matagal ko nang sinasabi sa iyo na..narito pa rin naman ako para sa iyo bilang kaibigan, hindi ba?

heh. buga ng usok.

lam mo...ang kulit mo rin e. di ba sabi ko sa iyo ok lang ako? just because nagyosi ako doesn't mean may problema.

halatang hindi ka naniwala sa sinabi ko.

lam mo...ok lang na maadik ka e. pero wag lang sana sa isang bagay na nakakamatay. pansin ko kasi na parami na ng parami yung yosi mo sa bawat araw na lumilipas e..

gusto mo malaman ang totoo?

tinitigan mo ako sa mata. sige. titigan tayo.

sa tingin mo bakit ako nagpapakahirap makalimot? sa tingin mo bakit kung ano ano na ginagawa ko sa sarili ko para lang hindi ako magisip? pucha naman. manhid ka ba? o bulag? mahal parin kita.

oo. shit. san nanggaling yun? lasing na ata ako.

tumahimik ka bigla.

so...totoo nga yung sinasabi nila...

inirapan kita sabay buga.

muka ba akong nagloloko? muka bang joke lahat ng ito? di naman ako magkakagulo ng ganito kung hindi e...ina naman o...

sorry...

baket?!

kase...
oo tama yan. magtitigan tayo. kinuha mo ang yosi sa kamay ko at hinagis sa malayo layo.

shit! ano ba!

tiningnan mo ako sa mata. tinitigan kita. at di ko na alam kung ano nangyare sunod dahil nalasahan ko na yung yosi sa mga labi mong napakatamis...sa labi mong miss na miss ko nang halikan.

nagyoyosi ka rin? bulong ko nang ika'y bumitaw.

oo...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home