bulong ng ilaw sa kalsada sa gabi
naiinis parin ako sa kanya ngunit nagpipigil nalang ako. nakahinga naman ako kaninang hapon nang tumambay ako sa gox. halos wala na kasing tao nung sinundo ako...nakapagisip ako at...mejo nawala galit ko. nakita ko yung buwan. sa labas kasi ako naghintay ng sundo. tapos yung ilaw ng kalsada...ang ganda. manilaw nilaw na parang ginto...at ang buwan na namumutla...nakikipagdebate ang isipan ko sa aking puso...hindi ko maiwasang isipin na purong kasinungalingan lamang ang lahat ng ito. masakit, natural, pero...kailangan ko maniwala muli..kung gusto kong maibalik ang dati kong tiwala sa kanya. mahirap, pero gagawin ko.miss na miss ko na siya. miss ko an siyang kausapin sa ym sa gabi...yung aabot kami ng alas dos ng umaga...miss ko a siyang batiin sa umaga na may kasamang yakap, miss ko na siyang titigan habang gumagawa ng project sa tambayan...miss ko na siyang makatabi...miss ko nang hawakan yung kamay niya..kase..wala lang. miss ko na siyang ihatid sa klase niya...miss ko na maramdaman yung yakap niyang sobrang higpit...miss ko na yung paglalambing niya sakin..at gayon din ako sa kanya...higit sa lahat miss ko an siyang mahalin nang walang halong galit at hinanakit...miss na miss na kita. kung alam mo lang.. :(
ang hirap kapag gusto mo ipakita sa kanya yung nararamdaman mo..pero hindi pwede...dahil nariyan ang ibang taong mambabastos ng kung ano mang sagrado mong dinadala sa araw araw, ang pagibig mong hindi kasing laki ng mundo, ngunit maliit lamang, na minamaliit ng iba, pero para sa iyo...yun na yung buhay mo e..ang hirap pigilan ang nararamdaman ko. at gusto ko iparamdam sa iyo. duguan na kamay ko sa pagpipigil.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home