Sunday, May 22, 2005

unbroken

Ayokong maniwala na hangga't wala ka sa buhay ko, magiging malungkot ako at parang di kumpleto ang bawat araw ko. Nasanay na ako na wala ka. Natuto na ako maging masaya kahit wala ka. Ngayon, ayokong bumalik sa dati ang lahat. Ayokong umasa sa munting pagkakaibigan natin dahil alam kong mauuwi lamang ito sa wala. Ayaw ko na magkunwaring panatag ang loob ko sa iyo dahil alam ko sa sarili ko na hindi. Patawarin mo sana ako at sana wag mong isipin na ayaw kitang maging kaibigan. Sa totoo lang, gusto ko. Sa ngayon nga lang, gusto muna kitang lubos na mapatawad bago natin muling itayo ang pagkakaibigan natin. Aaminin ko sa iyo na hindi pa ako handa. Sa ngayon, ayaw ko pa. Ngunit ang lahat ng ito ay nangangahulugan ng malaking bagay para sa akin. Pinapasalamatan kita na hindi mo nakakalimutan ang pagkakaibigan natin. Malaking bagay na yun para sakin. Lubos ang pasasalamat ko sa iyo. Pero wag muna ngayon. Hindi pa ako handa. Sana wag mong masamain. Alam ko na mabuti ang intensyon mo at hindi mo nais na saktan ako muli. Kaya ko rin ito ginagawa. Nawa'y maintindihan mo. Miss na miss na kita, kung alam mo lang. Miss na miss ko na rin yung dati. Pero sa ngayon, masaya na rin ako kahit wala ka. Isang araw siguro magiging ok na tayo. Pero hindi ngayon. Isang araw.